No ratings yet


0 Reviews

PILIPINAS sa Ikadalawampu't Isang Siglo (Serye ng Araling Panlipunan) Grade 4

Ang Pilipinas sa Ikadalawampu’t Isang Siglo, ang serye ng Araling Panlipunan ng The Bookmark, Inc. ay isinulat alinsunod sa K to 12 Curriculum ng Department of Education. Ito ay batayang aklat mula Kinder hanggang Ikaanim na baitang.

Quantity

Written By

Amado E. Borbon

Teresita Tomines-Battad

Synopsis

Ang Pilipinas sa Ikadalawampu’t Isang Siglo, ang serye ng Araling Panlipunan ng The Bookmark, Inc. ay isinulat alinsunod sa K to 12 Curriculum ng Department of Education. Ito ay batayang aklat mula Kinder hanggang Ikaanim na baitang.

Sa pamamagitan ng mga aralin, nais naming mahubog ka na maging isang tunay na Pilipino na makatao, makabansa, maka-Diyos, makakalikasan, mapanuri, mapagmuni, mapanagutan, at produktibo. Hangarin din namin na magkaroon ka ng pambansa at pandaigdigang pananaw at pagpapahalaga sa mga usaping panlipunan at pangkasaysayan.

Sinisimulan ng Pangunahing Katanungan o Essential Question (EQ) ang bawat aralin para sa paglinang ng kritikal o mapanuring pag-iisip o critical thinking.

Kawili-wili ang mga gawain sa mga aralin sapagkat nakapaloob dito ang mga gawain sa Musika, Sining, Edukasyon sa Pagpapalakas ng Katawan at Information Technology at iba pang asignatura. Nakapaloob din ang mga pagpapahalaga o values tungo sa maunlad na pamumuhay at higit sa lahat magkaroon ka ng magandang asal at saloobin.

Sa bawat yunit ay may mga karagdagang gawain na angkop sa bawat baitang. Ito ay tinatawag na Gawaing Isasakatuparan o Performance Tasks para lubusang malinang ang mga paksang aralin.

Inaasahan namin na sa mga aralin sa bawat aklat ay mapukaw ang iyong pagmamahal at pagmamalaki sa bansang Pilipinas at pagpapahalaga sa kulturang Pilipino, sa kaunlaran at tunay na kapayapaan.

Genre

Textbooks

Size

10.80 x 8.15 x 0.50

Inches

Weight

500

Grams

Type

Soft Cover

Featured In

Read These Next