No ratings yet


0 Reviews

Gabay sa Buhay (Serye ng GMRC) Grade 4

Ang mga nakapaloob sa bawat Batayang Aklat o Worktext ay alinsunod sa K to 12 Edukasyon sa Pagpapakatao o EsP Enhanced Basic Education Curriculum.

Quantity

Written By

Lilia Rosagaran Villanueva

Teresita Tomines-Battad

Synopsis

Ang mga nakapaloob sa bawat Batayang Aklat o Worktext ay alinsunod sa K to 12 Edukasyon sa Pagpapakatao o EsP Enhanced Basic Education Curriculum.

Tinitiyak nito na sa mga aralin ay nalilinang ninyo ang panlahatang pag-unlad taglay ang mga kasanayan sa Ikadalawampu’t Isang Siglo o 21st Century.

Sa Edukasyon sa Pagpapakatao o EsP, nais namin kayong gabayan upang mahanap at matagpuan ninyo ang kabuluhan ng buhay, mataglay, at maipamalas ang limang pangunahing kakayahan tulad ng sumusunod:

Pag-unawa
Ito ang kakayahan na mahinuha at maipaliwanag sa sariling karanasan at masuri at mapagnilayan ang mga ito.

Pagninilay
Ito ang kakayahan na maingat at malalim na pag-iisip sa mga sitwasyon na naobserbahan at natutuhan tungkol sa moral na pamumuhay.

Pagsangguni
Ito ang kakayahan na humingi ng payo o gabay sa mga taong may higit na kaalaman o kasanayan sa moral na pamumuhay at marunong magsala ng mga impormasyon.

Pagpapasya
Ito ang kakayahan na matutong bumuo ng sariling posisyon, paniniwala, paninindigan o kilos na isasagawa.

Pagkilos
Ito ang kakayahang mailapat at maipakita ang kahandaang isabuhay ang mga mabuting ugali o virtues na natutuhan.

Umaasa kami na sa tulong ng Batayang Aklat na ito ay mahubog kayo:
    a.     na may pananagutang pansarili at maging mabuting kasapi ng pamilya
    b.     na maging marunong makipagkapwa-tao
    c.     na gumawa tungo sa pag-unlad
    d.    na may pananalig at pagmamahal sa Panginoon at may paninindigan sa kabutihan.

Genre

Textbooks

Size

10.7 x 8.20 x 0.50

Inches

Weight

500

Grams

Type

Soft Cover

Featured In

Read These Next