Gabay sa Buhay (Serye ng GMRC) Grade 3
₱475.00
Secure checkout by Shopify
Synopsis
Ang mga nakapaloob sa bawat Batayang Aklat o Worktext ay alinsunod sa K to 12 Edukasyon sa Pagpapakatao o EsP Enhanced Basic Education Curriculum.
Tinitiyak nito na sa mga aralin ay nalilinang ninyo ang panlahatang pag-unlad taglay ang mga kasanayan sa Ikadalawampu’t Isang Siglo o 21st Century.
Sa Edukasyon sa Pagpapakatao o EsP, nais namin kayong gabayan upang mahanap at matagpuan ninyo ang kabuluhan ng buhay, mataglay, at maipamalas ang limang pangunahing kakayahan tulad ng sumusunod:
Pag-unawa
Ito ang kakayahan na mahinuha at maipaliwanag sa sariling karanasan at masuri at mapagnilayan ang mga ito.
Pagninilay
Ito ang kakayahan na maingat at malalim na pag-iisip sa mga sitwasyon na naobserbahan at natutuhan tungkol sa moral na pamumuhay.
Pagsangguni
Ito ang kakayahan na humingi ng payo o gabay sa mga taong may higit na kaalaman o kasanayan sa moral na pamumuhay at marunong magsala ng mga impormasyon.
Pagpapasya
Ito ang kakayahan na matutong bumuo ng sariling posisyon, paniniwala, paninindigan o kilos na isasagawa.
Pagkilos
Ito ang kakayahang mailapat at maipakita ang kahandaang isabuhay ang mga mabuting ugali o virtues na natutuhan.
Umaasa kami na sa tulong ng Batayang Aklat na ito ay mahubog kayo:
a. na may pananagutang pansarili at maging mabuting kasapi ng pamilya
b. na maging marunong makipagkapwa-tao
c. na gumawa tungo sa pag-unlad
d. na may pananalig at pagmamahal sa Panginoon at may paninindigan sa kabutihan.
Book Details
- AuthorJudy Carmen D. Sonza
- Illustrated byArdaniel Bagsik, Gerald Ferrancol
- GenreTextbooks
- PublisherBookmark
- FormatPaperback
- Language Filipino
- Reading AgeAges 6-10
- ISBN978-621-05-0024-0
- Pages154 + cover
- Year2022
Shipping & Returns
Orders are typically packed within 1-2 business days. Delivery timelines vary by location and will be shown at checkout. Returns are accepted according to our store policy.