{"product_id":"gabay-sa-buhay-serye-ng-gmrc-grade-1","title":"Gabay sa Buhay (Serye ng GMRC) Grade 1","description":"\u003cp\u003eAng mga nakapaloob sa bawat Batayang Aklat o Worktext ay alinsunod sa K to 12 Edukasyon sa Pagpapakatao o EsP Enhanced Basic Education Curriculum.\u003cbr\u003e\u003cbr\u003eTinitiyak nito na sa mga aralin ay nalilinang ninyo ang panlahatang pag-unlad taglay ang mga kasanayan sa Ikadalawampu’t Isang Siglo o 21st Century.\u003cbr\u003e\u003cbr\u003eSa Edukasyon sa Pagpapakatao o EsP, nais namin kayong gabayan upang mahanap at matagpuan ninyo ang kabuluhan ng buhay, mataglay, at maipamalas ang limang pangunahing kakayahan tulad ng sumusunod:\u003c\/p\u003e\u003cp\u003e\u003cstrong\u003ePag-unawa\u003c\/strong\u003e\u003cbr\u003eIto ang kakayahan na mahinuha at maipaliwanag sa sariling karanasan at masuri at mapagnilayan ang mga ito.\u003cbr\u003e\u003cbr\u003e\u003cstrong\u003ePagninilay\u003c\/strong\u003e\u003cbr\u003eIto ang kakayahan na maingat at malalim na pag-iisip sa mga sitwasyon na naobserbahan at natutuhan tungkol sa moral na pamumuhay.\u003cbr\u003e\u003cbr\u003e\u003cstrong\u003ePagsangguni\u003c\/strong\u003e\u003cbr\u003eIto ang kakayahan na humingi ng payo o gabay sa mga taong may higit na kaalaman o kasanayan sa moral na pamumuhay at marunong magsala ng mga impormasyon.\u003c\/p\u003e\u003cp\u003e\u003cstrong\u003ePagpapasya\u003c\/strong\u003e\u003cbr\u003eIto ang kakayahan na matutong bumuo ng sariling posisyon, paniniwala, paninindigan o kilos na isasagawa.\u003cbr\u003e\u003cbr\u003e\u003cstrong\u003ePagkilos\u003c\/strong\u003e\u003cbr\u003eIto ang kakayahang mailapat at maipakita ang kahandaang isabuhay ang mga mabuting ugali o virtues na natutuhan.\u003c\/p\u003e\u003cp\u003eUmaasa kami na sa tulong ng Batayang Aklat na ito ay mahubog kayo:\u003cbr\u003e    a.     na may pananagutang pansarili at maging mabuting kasapi ng pamilya\u003cbr\u003e    b.     na maging marunong makipagkapwa-tao\u003cbr\u003e    c.     na gumawa tungo sa pag-unlad\u003cbr\u003e    d.    na may pananalig at pagmamahal sa Panginoon at may paninindigan sa kabutihan.\u003c\/p\u003e","brand":"Bookmark","offers":[{"title":"Default Title","offer_id":42455744479326,"sku":"Gabay-sa-buhay-grade1","price":380.0,"currency_code":"PHP","in_stock":true}],"thumbnail_url":"\/\/cdn.shopify.com\/s\/files\/1\/0650\/4074\/4542\/files\/GMRC-1_png.webp?v=1770780679","url":"https:\/\/bookmarkthefilipinobookstore.com\/products\/gabay-sa-buhay-serye-ng-gmrc-grade-1","provider":"Bookmark the Filipino Bookstore","version":"1.0","type":"link"}